NOBENA PARA KAY SAN LORENZO RUIZ


PAGSISISI


Panginoon kong Diyos, Amang walang hanggan, ako'y dumudulog sa Iyo upang ilahad at ihingi ng tawad ang aking mga kasalanan. Ako'y nagsisisi nang buong puso sapagkat Ikaw ang lumikha sa akin at bukal ng lahat ng kagalingan, ngunit nagkasala pa rin ako sa Iyo.

Nagtitika ako na iwasan ang mga tao at lugar na nagdudulot ng kasalanan, at nanga ngako akong hindi na muling magkakasala, sa tulong ng lyong biyaya. Umaasa akong pata tawarin Mo ang lahat ng aking mga kasalanan at nang sa gayon ay maging karapat-dapat ako sa lyong mga biyaya at awa, hanggang sa makarating ako sa buhay na walang hanggan. Amen.


PAUNANG PANALANGIN

O Diyos na bukal ng lahat ng kabutihan, nagpapatirapa ako sa Iyong harapan at humi hiling na sana'y maging mabunga sa aking isip at kaluluwa ang nobenang ito na iniaalay ko sa karangalan ng aking pintakasing si San Lorenzo Ruiz.

Liwanagan Mo ang aking pag-iisip upang makilala ko ang mga katotohanang itinuro Mo sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesus. Papag-alabin Mo rin sa pag-ibig ang aking puso upang ito ay maging laging laan sa pag ibig sa pananampalataya hanggang sa ito'y maitaguyod at maipagtanggol ko tulad ng ginawa ni San Lorenzo Ruiz.

O Mahal na Birheng Maria, dumudulog ako sa lyo bilang Ina ng aking Mananakop, Ina rin ng sangkatauhan at halimbawa sa kaba baang-loob at pagkamasunurin.

Sa tulong ni San Lorenzo Ruiz na kinasihan ng pag-ibig sa iyong pangalan, idalangin mo na kamtin ko rin ang biyayang tinanggap ni San Lorenzo Ruiz, na mahalin ang aral at turo ng Panginoon hanggang sa huling sandali ng buhay. Amen.


TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA UNANG ARAW

O pinagpalang San Lorenzo Ruiz, ikaw na itinangi ng Panginoon na mag-alay ng buhay alang-alang sa pananampalatayang Kristi yano, lumalapit ako sa iyo upang dakilain ang mga gawang kabanalan na iyong ipinakita nang ikaw ay naglilingkod bilang sakristan, katulong at eskribano sa simbahan.

Ikaw na naging halimbawa sa pami mintuho sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosario, kasihan mo ako ng iyong dalangin upang ako'y maging tapat din sa aking debosyon sa ating Ina, na siyang magiging gabay ko sa aking pagtawid sa kabilang buhay.

Ipanalangin mo rin ako upang maging karapat-dapat sa pagpapala ng Panginoon, at hinihiling ko na idalangin mo sa Panginoon ang biyayang nais kong makamit sa nobenang ito, alang-alang kay Kristo Hesus. Amen.


TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKALAWANG ARAW

O butihing San Lorenzo Ruiz, dumudulog ako sa Iyo upang sambitin angiyong ngalan at hilingin ang iyong tulong upang magkaroon ako ng biyaya ng kalinisan tulad ng naganap sa iyo nang ikaw ay naglilingkod sa simbahan.

Alalahanin mo ako habang pinagninilay ko ang biyayang binyag na tinanggap mo at tinanggap ko rin, na sa pamamagitan niyon ay naging anak tayo ng Diyos, kasapi ng Santa Iglesya at karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit.

Idalangin mo na mapanatili ko ang mga pangakong kalakip ng binyag na iginawad sa akin tulad ng pagtalikod kay Satanas, sa pag iwas sa lahat ng kasamaan at pananatili sa pananampalatayang Kristiyano.

Nawa'y maging tapat ako sa aking mga pangako ng pananatili sa biyaya ng Diyos, pakundangan sa iyong mga halimbawa, alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Amen.


TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKATLONG ARAW

O maamong San Loreno Ruiz, ikaw na tumanggap ng sakramento ng kumpil at pinatunayan mo sa paraan ng kamatayan ang bunga ng gawaing banal na ito, naninikluhod ako sa iyo upang nilayin ang kahalagahan ng pagiging kawal ni Kristo.

Sa pamamagitan ng kumpil, ay itinatak sa akin ang pagmamahal sa Diyos, ang pagdakila sa mahal na pasyon at kamatayan ni Kristo, at ang pananatili sa pananampalatayang Kristiyano sa harap ng mga tukso at kaaway.

Tulungan mo akong dumalangin sa Panginoon na maging matibay sa mga simulain at paninindigang Kristiyano, hindi bilang pakitang-tao lamang kundi tunay at tapat sa loob.

Sana ang Espiritu Santo na natanggap ko sa Kumpil ay manatiling buhay sa aking isip at kalooban tulad ng ipinakita mo nang pinili mong mamatay kaysa itakwil ang paniniwala sa Diyos, alang-alang sa mga pasakit ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.


TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKAAPAT NA ARAW

O mapagkalingang San Lorernzo Ruiz, ikaw na nagpahayag ng iyong pananam palataya sa harap ng banta at takot ng kamatayan, namimintuho ako sa iyo upang sa iyong tulong ay maipahayag ko rin ang aking paniniwala nang buong tatag at tapang sa harap ng mga taong malayo sa Diyos at Simbahang Kanyang itinatag.

Nang naglilingkod ka sa simbahan bilang tapat na tagasunod ng pananampalataya, madalas kang dumulog sa kumpisalan upang doon ay humingi ng tawad sa mga pagkakasala at magkamit ng aral at patnubay sa buhay Kristiyano.

Idalangin mo na ako sana ay magkaroon din ng loob na dumulog sa kumpisalan tuwing makagagawa ng kasalanan, at nang sa gayon ay laging manatili sa biyaya ng Diyos.

Tulungan mo na ako'y magkaroon ng pagkapoot sa kasalanan at maging laan sa paghingi ng tawad pagkatapos ng isang taos pusong pagsisisi, alang-alang sa walang hanggang awa ni Hesukristong aming Tagapagligtas. Amen.


TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKALIMANG ARAW

O San Lorenzo Ruiz, huwaran ng mga deboto ni Maria, ikaw na nagkaroon ng lahat ng pagkakataon upang makaniig at maka-isa ni Hesukristo sa pamamagitan ng pagtanggap ng Banal na Komunyon, lumuluhog ako sa iyo na sana'y maging matibay din at palagian ang pagmamahal ko sa Banal na Eukaristiya.

Bilang tagasunod ni Maria, inilakip mo at ginawang matibay na batayan ng iyong pami mintuho sa ating Ina ang Banal na Komunyon na iyong tinatanggap sa pusong malinis at matuwid na budhi.

Halina at idalangin mo na ako'y mag karoon din ng wagas na pag-ibig sa Santisimo Sakramento na dinarakila ko tuwing dadalaw sa simbahan.

Buong kapakumbabaang idinadalangin ko na tunghayan mo ako mula sa langit na iyong tahanan, upang maging bahagi ng aking buhay-espirituwal ang malimit na pakiki nabang, alang-alang sa dakilang pagsamba at pagluwalhati sa aming Panginoong Hesukristo. Amen.


TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKAANIM NA ARAW

San Lorenzo Ruiz, ikaw na pintakasi ng buong bansa, sapagkat ikaw ang kauna-unahang santo na ipinahayag nang buong dangal; ikaw rin na nagpakita ng mabuting halimbawa bilang ama ng tahanan at butihing asawa, idalangin mo na ako'y maging tunay at tapat na kasapi ng aking pamilya.

Lumalapit ako sa iyo upang humingi ng tulong at biyaya na magampanan ko ang aking mga tungkulin, tulad ng iyong halimbawa, bilang anak ng pananam palatayang Kristiyano at kabilang sa isang angkang may paniniwala sa Diyos.

Kung paanong minahal mo ang iyong asawat mga anak, at sa gayon ay naging marapat ka sa mata ng Panginoon, idalangin mo na magkaroon din ako ng biyaya ng pagmamahal sa lahat ng mga bagay tungo sa kagalingan ng aking angkan at mga kamag-anak.

Ilawit mo sa akin ang iyong pagkalinga, at hilingin sa Panginoong tinatamasa mo sa langit, na ang pamilyang kinabibilangan ko ay lubos na makatupad ng mga tungkulin Sa Diyos at sa kapwa, alang-alang sa mga biyaya ng Sagrada Familia, Jesus, Maria at Jose. Amen.


TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKAPITONG ARAW

Ang salita ng Diyos ay naging gabay at bukal ng biyaya sa iyo, O San Lorenzo Ruiz, sapagkat tuwing nagdarasal ka ng Santo Rosario ay pinagninilay mo ang mga yugto ng buhay ni Hesus at Maria na inilalahad sa Banal na Kasulatan, tulungan mo ako na matulad sa iyo sa pagmamahal sa mga Salita ng Diyos.

O Banal na pintakasi ng sambayanang Kristiyano, tunghayan mo ako at idalangin na sana'y maging maibigin din ako sa aral ng Diyos, ni Hesukristo at ng Kanyang mga apostol, na nasasaad at nalalarawan sa Biblia. Sana'y hindi lamang matutuhan ko ang mga aral na ito kundi maisagawa ko rin sa pang araw-araw na pamumuhay.

O San Lorenzo Ruiz, dinggin mo ang aking mga panalangin at hilingin sa paanan ng Panginoon na ako'y pagpalain sa isip, sa puso at sa katawan upang mapalaganap ko rin ang Banal na Ebanghelyo hanggang sa huling oras ng aking buhay tulad ng ipinakita mong halimbawa.

Itulot mo, O mahal kong San Lorenzo Ruiz, na maging apostol din ako ng aking pananampalataya, hindi lamang sa pangangaral kundi rin sa pagsasabuhay ng mga Salita ng Diyos, alang-alang sa mga katotohanang makalangit. Amen.


TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKAWALONG ARAW

O nakakahalinang San Lorenzo Ruiz, na ang buhay ay tunay na nakatawag-pansin dahil sa mga hiwagang nagdulot ng buhay na walang hanggan; ikaw na sa pag-alis sa Maynila patungong ibang bansa ay sumama sa mga misyonero hanggang sa ikaw na rin ay naging tagapagdala ng sulo ng pananampalataya; idalangin mo ako na sana'y hindi ako manghinawa sa pagtupad ng aking mga tungkulin bilang Kristiyano at laging hawakan nang matayog ang watawat ng Kristiyanismo.

Halina't bigyan mo ako ng lakas ng loob na maging kasangkapan ng pagpapalaganap ng pananampalataya tulad ng mga apostol. Tulad nila, ikaw rin ay naging martir sa ngalan ng Panginoon upang patunayan ang lantay na ginto ng iyong pananalig sa Diyos.

Dumudulog ako sa iyo, San Lorenzo Ruiz, upang humingi ng tulong na magkamit ng biyaya sa pagtatanggol sa aking pananam palataya. Kung kailangan at sa tulong ng iyong dalangin, akoʻy mamamatay na rin bago itakwil ang Diyos na sa akin ay lumikha at nagbibigay-buhay, alang-alang sa dugo ng mga martir ng pag-ibig sa Diyos. Amen.


TANGING PANALANGIN KAY SAN LORENZO RUIZ SA IKASIYAM NA ARAW

O San Lorenzo Ruiz na nagpakita ng halimbawa sa pagpapakasakit at pagtatakwil ng sarili huwag lamang talikdan ang Diyos at ang pananampalataya, hinihiling ko sa iyo na lingunin mo ang aking mga panganga ilangang pangkaluluwa at pangkatawan. Sa gayon ay makapaglilingkod ako nang tapat at lubos sa Diyos at kapwa.

Sa pamamagitan ng iyong amatayan sa kamay ng mga walang Diyos, ipinakita mo ang kahalagahan ng sakripisyo lang-alang sa isang layuning makalangit. Sa lahat ng pagka kataon, maging noong nasa Maynila ka hang gang sa makarating sa ibang bansa, pinamayani mo ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Tulungan mo rin ako na magkaroon ng diwa ng pagsunod sa Kanyang kalooban tulad ng hinihiling ko sa panalanging "Ama Namin".

Huwag mong itulot, O San Lorenzo Ruiz na ako'y mapabilang sa mga taong nagmamahal ng mga bagay na makamundo, higit kaysa sa kagalingang makalangit.

Tulungan mo akong dumalangin na laging manatili sa biyaya ng Panginoon ayon sa banal na halimbawang ipinakita mo, alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon na Siyang pinagmunmulan ng lahat ng kabutihan. Amen.


PANGWAKAS NA PANALANGIN

O San Lorenzo Ruiz, akO ay nagpupuri sa iyo dahil sa maalab na pag-ibig mo sa iyong pananampalataya. Binantaan ka ng kamatayan, ngunit hindi mo itinatuwa ang iyong pag-ibig sa Diyos. Idalangin mo sa Panginoon na magkaroon din ako ng bahagi sa gayong pag-ibig.

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.

O San Lorenzo Ruiz, dinadakila kita dahil sa iyong matayog at matapat na pamimintuho sa Mahal na Birhen, na hindi mo kinalinutan kahit na sa gitna ng iyong mga gawain sa araw-araw.

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.

O San Lorenzo Ruiz, ako'y nagpupugay sa iyong katapatan sa paglilingkod sa kapwa. Sana'y tulungan mo akong umibig din sa aking kapwa sa paraang tunay na maka Kristiyano tulad ng walang pag-iimbot na gawa at hindi sa salita lamang.

San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.


Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Post a Comment

0 Comments