Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo 8, 28-34
Noong panahong iyon, nang dumating si Hesus sa ibayo, sa lupain ng mga Gadenero, sinalubong siya ng dalawang lalaking galing sa libingan. Sila’y inaalihan ng mga demonyo at napakababangis kaya’t walang mangahas dumaan doon. Pagdaka’y sumigaw sila: “Ano ang pakialam mo sa amin, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang pahirapan kami nang hindi pa panahon?” Sa di kalayuan ay may malaking kawan ng baboy na nanginginain. At namanhik sa kanya ang mga demonyo, “Kung kami’y palalayasin mo, bayaan mo kaming pumasok sa mga baboy na iyon.” Sinabi ni Hesus, “Humayo kayo.” Kaya’t lumabas sila sa dalawang lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ay biglang sumibad ng takbo tungo sa bangin, nahulog sa lawa, at nalunod.
Patakbong umuwi ng bawa ang mga tagapag-alaga ng kawan at pagdatin doon ay ipinamalita ang lahat ng bagay, pati ang nangyari sa mga inalihan ng demonyo. Kaya’t lumabas ang buong bayan upang salubungin si Hesus. Pagkakita sa kanya, ipinamanhik nilang siya’y umalis sa kanilang lupain.
0 Comments